2018 ASIAN PARA GAMES | 6 na ginto, nakuha ng Pilipinas

24

Indonesia – Nakakuha na ng anim na gintong medalya ang Pilipinas sa 2018 Asian Para Games sa Indonesia.

Pinakahuling nakakuha ng gintong medalya ang swimmer na si Ernie Gawilan para sa 100 meters backstroke event.

Ito na ang ikalawang ginto ni Gawilan at mayroon na rin siyang tig dalawa sa silver at bronze.

Mayroon na ring tatlong gintong medalya ang Pilipinas sa chess at isa sa ten pin bowling.

Sa kabuuan mayroon ng 19 na medalya ang Pilipinas at nasa 11th place sa medal tally 2018 Asian Para Games na magtatapos sa Sabado.

Facebook Comments