Resolusyon para imbestigahan ang pagbaba ng supply ng kuryente, inihain sa Senado

Naghain ng resolusyon si Senator Raffy Tulfo para maimbestigahan ng Senate Committee on Energy ang mahigit isang linggo nang pagdedeklara ng Red at Yellow Alerts sa supply ng kuryente sa bansa.

Layon aniya nito na matiyak na hindi ang mga inosenteng consumer ang magbabayad sa pagtataas ng presyo ng kuryente na bunga ng pagnipis ng supply nito.

Sinabi ni Tulfo na layon din ng imbestigasyon na matukoy ang remedyo sa problema sa power supply.


Nabatid na maraming planta ngayon ang pumapalya kaya nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng kuryente.

Facebook Comments