2018 ASIAN PARA GAMES | Pilipinas, may 3 ginto na

Manila, Philippines – Umiskor ng 5.5 points si Sander Severino para pagharian ang men’s BI individual chess event para ibigay sa Pilipinas ang ikatlo nitong gintong medalya sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

Nagtala ang chess Master na si Severino ng apat na panalo at tatlong tabla si Severino para maungusan sina Firdaus Maksum ng Indonesia at ang kapwa Pinoy na si Rom Jasper Belarmino.

Nakuha ni Maksum ang pilak sa tiebreaker habang tanso naman ang kay Belarmino.


Nakakuha naman ng pilak sina Menardo Redor sa B2-B3 individual chess category; swimmer Ernie Gawilan sa 100M freestyle; at Josephine Medina sa women’s singles ng table tennis.

Sa ngayon may 3 gold, 6 silver at 6 bronze medal na ang Pilipinas sa Para Games.

Facebook Comments