2018 ASIAN PARA GAMES | Unang ginto ng Pilipinas, nasikwat ni Gawilan

Indonesia-Umangat mula sa maraming pagkabigo si Ernie Gawilan para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia.

Nananaig si Gawilan sa 200M individual medley sa oras na 2:53.53 seconds para talunin sina Liang Da Chan ng Taiwan at Suyash Nara Jadjar ng India para marinig sa Para Games sa unang pagkakataon ang Lupang Hinirang.

Naunang nakuha ni Gawilan ang silver medal sa 50M swim.


Ang one gold, one silver medal haul ni Gawilan ay sapat na para malagpasan ang five silver at three bronze medal performance ng mga differently-abled athlete ng Pilipinas sa 2014 Incheon Para Games.

Facebook Comments