HINDI PA SIGURADO | Secretary Roque, wala pang desisyon kung tatakbo sa halalan sa susunod na taon

128

Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na hindi pa siya nakapag dedesisyon kung tatakbo sa 2019 midterm elections o mananatili na lamang sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Roque sa harap narin ng kanayng una nang naging pahayag noong nakaraang Biyernes kung saan sinabi nito na nitong nakaraang weekened ay pagiisipan niya ang kanyang desisyon at ngayong linggo niya ito iaanunsiyo.


Sa briefing sa Malacañang kanina ay sinabi ni Roque na hindi pa tapos ang paguusap nila ni Pangulong Duterte at posibleng sa susunod na linggo pa siya makapag desisyon.

Binigyang diin din naman ni Roque na wala siyang nararamdamang tampo kay Pangulong Duterte dahil sa mga issue nitong nakaraang linggo.

Facebook Comments