Manila, Philippines – Nakapwesto na si defending champion Roger Federer sa kaniyang ika-labing apat na semifinals sa Australian Open.
Ito ay matapos talunin ni Federer si Tomas Berdych sa last 8, 7-6, 6-3 at 6-4 sa Rod Laver Arena para makapasok sa last 4 ng Grand Slam tournament.
Makakaharap ni Federer sa semis si Chung Hyeon ng South Korea.
Magtutuos naman sa ikalawang semifinal pairing sina Kyle Edmund ng Great Britain at Marin Cilic ng Croatia.
Facebook Comments