2018 bar exams passers, higit 22% lamang

Manila, Philippines – Umabot lang sa 22.07% ang mga pumasa sa 2018 bar examinations.

Ito ang pinakamababa mula sa nakalipas na 18 taon.

Sa 8,158 na kumuha ng exam 1,800 lamang ang nakapasa.


Sa top 10 ng bar passers, tatlo ang galing sa Ateneo de Manila University, apat mula sa University of San Carlos, dalawa mula sa University of the Philippines at isa sa De La Salle University.

Ayon sa Atenistang si Sean James Borja, 2018 bar topnotcher – hindi niya inaasahang mangunguna siya sa exam.

Malaking hamon para sa kanya na mag-top sa bar lalo na sa pagsulong ng mga isyung malapit sa puso niya.

Kasabay ng pagbati, hinimok ng Malacañang ang mga bagong abogado na magtrabaho sa pamahalaan para sa pagtatatag ng progresibo at mapayapang bayan.

Facebook Comments