Rodel Jayme, nag-sorry kay PRRD at sa pamilya nito

Humingi ng sorry kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa presidential family ang inarestong web administrator na nasa likod ng kontrobersyal na “Ang totoong narcolist video series”.

Ang Bikoy video series ay isinasangkot ang pamilya Duterte sa kalakalan ng ilegal na droga.

Ayon kay Rodel Jayme – nagamit lamang ang kanyang website para sa Bikoy videos.


Hindi aniya siya sang-ayon sa pagkakadamay sa anak ni Pangulong Duterte na si Veronica sa mga video.

Patuloy din ang pagtunton ng NBI sa iba pang mga sangkot.

Facebook Comments