2018 National Budget, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na sa 2nd reading ang 2018 national budget.

Pinagtibay na sa ikawalang pagbasa sa Kamara ang P3.767 trillion proposed national budget.

Sa pamamagitan ng viva voce voting, inaprubahan ng Kamara ang house bill 6215 o ang 2018 Proposed General Appropriations Act dalawang linggo matapos ang ginawang plenary deliberations.


Malaking porsyento ng 2018 national budget ay nailaan sa edukasyon at infrastructure programs ng Duterte administration.

Ang pondo para sa susunod na taon ay mas mataas ng 12.4 % kung ihahambing sa 2017 national budget.

Ang social services ang binigyan ng pinakamalaking alokasyon na nagkakahalaga ng P1.45 trillion o 38.5 % ng panukalang pambansang pondo.

Kabilang sa top 10 agencies na pinaglaanan ng pinakamalaking pondo sa ilalim ng 2018 proposed national budget ay ang: DepEd (567.562-B), DPWH (458.610-B), DILG (150.051-B), DND (134.543-b), DSWD (129.912-b), DOH (94.047-B), DOTr (55.479-B), DA (45.292-B), Judiciary (32.542-B) at DENR (29.371-B).

Facebook Comments