2018 Regional Conference ng Barangay Nutrition Scholars, Isinagawa!

Cauayan City, Isabela – Matatapos ngayong araw ang 2018 Regional Conference of Barangay Nutrition Scholars dito sa Cauayan City kung saan ay dinaluhan ng mahigi’t kumulang sa isang libo’t tatlong daan na BNS mula sa iba’t ibang munisipalidad at probinsya sa buong rehiyon dos.

Matatandaan na nagsimula na kahapon ang naturang aktibidad kung saan layunin nito na tipunin ang lahat ng BNS sa rehiyon dos upang ituro ang mga makabagong updates at mga paraan sa nutrisyon maging ang hinggil sa personality development.

Ayon kay Maria Gisela Lonzaga, ang OIC ng Nutririon Program Coordinator ng National Nutrition Council Region 2 ay ipinaliwanag nito ang mga mahalagang kaalaman ng mga BNS sa tamang nutrisyon.


Aniya, naging maganda naman umano ang sitwasyon sa problema ng nutrisyon sa rehiyon dos at ginagawa na umano nila ang lahat upang mabawasan ang malnutrisyon kung saan ay isa sa tinututukan nila ngayon ang Quirino na may mataas na bilang ng malnutrisyon, sumunod ang Nueva Vizcaya at Cagayan na prioridad na matutukan ang mga batang mapapayat sa mga nasabing lugar.

Samantala panawagan naman ni Lonzaga sa mga local na pamahalaan na tulungan at tutukan ang mga BNS sa bawat barangay upang matugunan ang problema sa malnutrisyon.

Facebook Comments