2018 SUZUKI CUP | Philippine Azkals, War Elephants magsasagupa para sa crucial match up

Manila, Philippines – Liderato at posibleng unang semifinal berth sa 2018 Suzuki Cup ang nakataya sa paghaharap ng Philippine Azkals at ang defending champions Thailand War Elephants mamayang ala-siyete y media ng gabi sa Pana-ad Park and Stadium sa Bacolod City.

Tangan ang parehong 2-0 win loss card sa Group B, inaasahang ibubuhos ng dalawang koponan ang lahat ng makakaya para makuha ang full three points.

Aminado si Azkals Team manager Dan Palami na mabigat na kalaban ang mga Thai dahil bukod sa matagal nang hindi pa nananalo ang Pilipinas sa mga bisita, nasa kondisyon pa ang kalaban.


Naka-score kasi ng 11 goals ang Thailand sa huling dalawang laro nito. Pito kontra Timor Leste at apat naman laban sa Indonesia.

May apat naman na goal ang Pilipinas sa laban nito sa Singapore at Timor Leste.

Inaasahan na pangungunahan ni team captain Phil Younghusband, Stephan Schrock, Martin Steuble at Patrick Reichelt ang kampanya ng Azkals para mabigyan ng magandang laban ang War Elephants.

Facebook Comments