CARETAKER | PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, itinalaga sa Davao City

Manila, Philippines – Naitalaga na bilang legislative caretaker ng Davao City si PBA Partylist Rep. Jericho Nograles.

Si Cong. Jericho ang itinalagang caretaker ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo matapos na bakantihin ng kapatid nitong si dating Davao City Rep. Karlo Nograles ang posisyon para tanggapin ang pagiging Cabinet Secretary ng Duterte administration.

Batay sa Memorandum Number 17-192 na inilabas ni Arroyo, effective immediately ang designation kay Nograles.


Sa isang pahayag ay nagpasalamat si Nograles kay Arroyo at tiniyak na gagampanan nang maayos ang tungkulin.

Bago pa ang appointment sa kanyang kapatid sa gabinete ay matagal na niyang pinagsisilbihan ang unang distrito ng Davao City.

Facebook Comments