Kailangan maipanalo ni Jann Mari Nayre ang kaniyang laban sa Amerikanong si Kanak Jha para manatiling nasa medal contention sa table tennis event ng 2018 Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina.
Naging maganda ang simula ni Nayre sa YOG matapos talunin sa kaniyang unang laro si Nicolas Burgos ng Chile, 11-9, 6-11, 11-9, 11-6, 11-8.
Pero nabigo ang disi-otso anyos na si Nayre laban naman kay Maciej Kolodziejczyk (KOLOD-ZIE-ZIK) ng Austria, 9-11, 8-11, 1-11, 6-11 para sa kartadang 1-1 sa Group B ng elimination round.
Dahil dito kailangan maipanalo ni Nayre Jha para maiwasan niyang ma-eliminate sa grupo.
Inaasahan na mahihirapan si Nayre kay Jha na bukod sa beterano na 2016 Rio Olympic Games ay may world ranking pa ito na number 73.
Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang disi-otso anyos na si Nayre sa win or go home match nito kay Jha.
Aniya, lahat ay posibleng mangayari kasama na rito ang pagsilat niya kay Jha.