2019 BUDGET | Ilang senador, may isiningit din umanong pork barrel – Andaya

98

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni House Majority Leader Rolando Andaya ng 1st District ng Camarines Sur na patas na pondo ang utos ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa appropriations committee ng Kamara.

Ayon kay Andaya, malinaw ang naging pahayag ni Arroyo na bigyan ng equal funding ang bawat distritong nasasakupan ng mga mambabatas.

Mariin din niyang tinututulan ang pahayag ni Senator Lacson kung saan iginiit pa niya na maging ang ilang sa mga kasama nito ay makikinabang din sa napag-usapang budget.

Bukod dito, hinimok pa nila ang appropriations committee na iwasan ang pagkakaroon ng insertions sa budget nang hindi nasasabihan o naipapaalam sa Senado.

Tiniyak naman ni Andaya na tutulong ang liderato ng Kamara sa Senado sa pag-analisa sa 2019 budget at para maipaliwanag ang anumang tanong ng mga ito.

Facebook Comments