WALANG SAY | Vic Sotto, no comment sa isyu nina Maine Mendoza, Arjo Atayde

141

Manila, Philippines – Inamin ngayon ni Bossing Vic Sotto na never daw nilang pinag-uusapan ni Maine Mendoza ang tungkol sa kumakalat sa isyu sa pagitan ng dalaga at ng aktor na si Arjo Atayde.

Say ni Bossing, hindi sila nag-uusap ni Maine sa mga personal na bagay kung saan casual lang daw silang nagkwe-kwentuhan kapag trabaho na ang pinag-uusapan.

Dagdag pa ni Vic, nire-respeto niya ang personal na buhay ni Maine at tulad din niya, mas gugustuhin siguro ng dalaga na maging pribado ang lahat pagdating sa nasabing isyu.

Sa pagkakaalam ni Bossing, masaya ngayon si Maine dahil first time niyang makakasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at kasama pa nila si Coco Martin sa kanilang movie entry.

Facebook Comments