2019 ELECTION | 7 hanggang 8 cabinet executive, nakatakdang magbitiw sa pwesto

411

Manila, Philippines – Pito hanggang walong miyembro ng gabinete ng administrasyong Duterte ang magbibitiw sa pwesto para tumakbo sa 2018 midterm elections.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na anim ang tatakbo sa halalan.

Pero ayon kay Andanar, naniniwala siyang marami pa ang tatakbo sa mga lokal sa kanilang mga probinsya.

Hindi naman binanggit ng kalihim kung sinu-sino ang mga cabinet member na nagbabalak tumakbo sa eleksyon.

Pero aniya, siguradong kakandidato si Roque sa pagka-senador pero sa ngayon, may mga taong kumakausap sa kanya na huwag na lang tumuloy dahil mas kailangan siya sa communications.

Sakaling tumakbo, kumalat rin ang balitang posibleng palitan siya ni MMDA Spokesperson Celine Pialago bilang presidential spokesperson.

Wala pa namang kumpirmasyon mula kay Roque kung tatakbo siya sa eleksyon.

Facebook Comments