NILINAW | COMELEC, walang kapangyarihang alisin si Bertiz sa kanyang partido

Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na wala itong kapangyarihan para alisin bilang representative ng ACTS OFW Partylist si Cong. John Bertiz.

Sa interview ng RMN Manila kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kinumpirma niya na pinadalhan sila ng ACTS OFW ng kopya ng pag-expel nila sa kongresista.

Bukod dito, may hiwalay na sulat din kung saan hinihiling nila sa COMELEC na patigilin na sa pag-a-aktong kongresista si Bertiz.


Pero ayon kay Jimenez – “internal matter” na ito ng partylist at hindi nila ito pwedeng panghimasukan.

Una rito, sinabi ni Bertiz na peke ang dokumentong kumakalat sa social media kung saan mababasa na tinanggal na siya sa kanyang partido.

Matatandaang inulan ng kaliwa’t kanang batikos ang kongresista matapos mag-viral ang CCTV footage ng pakikipag-away niya sa isang airport personnel sa NAIA.

Facebook Comments