Manila, Philippines – Wala pa namang nakikitang problema ang Commission on Elections (Comelec) sa unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kanyang sinabi na sa unang oras ng paghahain ng COC ay naging mapayapa at kalmado ito.
Organisado umano ang mga kandidato at nakakasunod sa guidelines na kanilang ipinalabas.
Ang tanging inaalala umano nila ngayon ay ang sitwasyon sa labas ng Palacio del Gobernador dahil sa gimik ng mga kandidato.
Kapansin-pansin na ilan sa mga gimik dito ay ang pagsusuot ng salakot ng mga taga suporta ng Kabayan Partylist at ang pag-iingay ng mahigit 30 supporters ni Freddie Aguilar at ni dating Bayan Muna Representative Neri Colmenares.
Sa ngayon, lumipas na nga ang isang oras at kabilang sa mga nakapaghain na ng COC ay sina:
Senador Koko Pimentel
Freddie Aguilar
Abner Afuang
Mel Chavez
Dr. Willie Ong
Neri Colmenares dating Bayan Muna Representative
Congressman Ron Salo ng Kabayan
Nagsampa rin ng kanilang COC sina Shariff Albani Labor Partylist na tatakbo sa pagkasenador at PBA Partylist Congressman Mark Sambar at Congressman Jericho Nograles.