TATAKBO | Problema sa trapiko sa Metro Manila reresolbahin ng dating BF ni Mocha

343

Manila, Philippines – Naniniwala ang dating boyfriend ni Mocha Uson na si Agi Tuana na mareresolba na ang matinding problema ng trapiko kapag pinalad na siya ay mahalal bilang senador.

Nakasuot ng pula at puti jacket nagtungo sa Comelec ang nagpakilalang boyfriend ni Uson na si Tuana upang mag-file ng COC at umaasang papalarin na manalong senador.

Bukod kay Tuana umaasa naman ang dating pulis na si Abner Afuang na nagkaroon ng konting problema dahil luma ang kanyang application na ginamit sa pag-file ng COC na problema sa peace and order sa bansa ang kanya namang panukala sakaling papalarin sa Senado.

Samantala sinabi naman ni Comelec Spokesman James Jimenez na maayos at wala pang gulo na namo-monitor ang Comelec so far sa first day ng filing ng COC dahil organisado naman sila at sumusunod sa guidelines ng Comelec.

Facebook Comments