2019 ELECTION | Higit 60 kandidato, humihiling ng security sa PNP

Manila, Philippines – Umabot na sa 64 na mga kandidato para sa 2019 Midterm elections ang humiling ng police security mula sa Philippine National Police-Police Security and Protection Group o PNP-PSPG.

Kasunod ito ng mga naganap na pag-atake sa Batangas, Cavite at La Union na target ay mga pulitiko.

Ayon kay PSPG Director Chief Supt. Filmore Escobal, tatlo rito ay senador, 49 ang kongresista, 6 na local chief executives, 3 dating government official at 3 pribadong indibidwal.


Aniya, magtatalaga sila ng 116 police security personnel sa mga nag-apply pero kinakailangan pa rin ang approval ng Commission on Elections.

Inaasahan naman ni Escobal na madadagdagan pa ang mga pulitikong hihiling ng security escort.

Facebook Comments