Manila, Philippines – Sasalain ng Comelec sa lalong madaling panahon ang mga COC at CONA ng mga kandidato.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, target ng Comelec na magpalabas ng pinal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre.
Sinabi ni Guanzon na titingnan ng Comelec kung nakatugon ba sa qualification o walang tinataglay na disqualification ang isang nagnanais na kumandidato.
Dapat ay hindi pa sila pinal na naco-convict sa isang krimen, hindi pa lumalagpas sa term limit at hindi pa napapatawan ng perpetual disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.
Nilinaw naman ni Guanzon na sa pagtukoy ng “nuisance” o panggulong kandidato, hindi lamang pagbabatayan ng Comelec ang pinansyal na kapasidad ng kandidato.
Facebook Comments