Sa oath taking ceremony ng 607 newly recruits corrections officers and technical officers ng Bureau of Corrections (BuCor).
Kinumpirma ni BuCor Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na sasabak sya sa 2019 midterm elections sa pagka senador.
Ayon kay Dela Rosa ipapa Feng Shui niya muna kung kailan ang pinaka ma-swerteng araw para sa paghahain niya ng Certificate of Candidacy (COC).
Base sa calender of activities ng COMELEC, sa darating na October 11-17 ang paghahain ng kandidatura.
Sinabi pa ni Dela Rosa na siya ay tatakbo sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago na itinatag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Saka-sakaling palarin sa Senado nais ni Dela Rosa na muling buhayin ang parusang bitay para sa mga heinous crimes tulad ng murder rape at drugs upang ma-decongest ang New Bilibid Prisons (NBP).
Inirekumenda naman nito si BuCor Deputy Director General for Security & Operations Assistant Secretary Melvin Ramon Buenafe bilang papalit sa kanya sa pwesto sa oras na maghain na siya ng COC.