2019 MIDTERM ELECTIONS | Jinggoy Estrada, tatakbo ulit bilang Senador?

Manila, Philippines – Hindi pa rin isinasara ni Senador Jinggoy Estrada ang
posibilidad na tumakbo siya sa pagkasenador sa 2019 Midterm Elections.

Ito ay matapos siyang makalaya noong Setyembre matapos payagan ng
Sandiganbayan na makapagpiyansa sa kanyang mga kaso dahil sa kanyang
pagkakaugnay sa pork barrel scam.

Aminado si Estrada – na gusto niyang bumalik sa senado.


Umaasa rin siyang payagan din ng korte na makapagpiyansa ang kanyang kapwa
akusado na si dating Senador Bong Revilla Jr.

Kung sakaling mahalal muli bilang senador, pagtutuunan ni Estrada ang mga
panukalang magpapalakas ng labor laws at pagtibayin ang proteksyon at
benepisyo ng mga manggagawa.

Facebook Comments