PORN PA MORE | Lokal na pamahalaan ng Makati, pinagpapaliwanag na ang may-ari ng billboard na nagpalabas ng porno sa isang establisyimento

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanang ngayon ng lokal na pamahalaan ng
Makati ang may-ari ng billboard na nag-viral ang video sa social media
matapos ang magpalabas ng porno movie.

Nabatid na isang nitezen na si Mulong Sermonia ang nakakita sa porn movie na
nasa billboard sa itaas ng executive building center sa Makati Avenue.

Dahil hindi naman daw araw-araw makakakita ng ganoong video sa isang
pampublikong lugar, agad na kinuhanan ng video ni Sermonia ang billboard at
in-upload ito sa Facebook kaya’t mabilis itong pinagpiyestahan.


May habang 33 seconds ang video ni Sermonia, pero agad din itong na-take
down ng Facebook dahil sa sensitibo nitong laman.

Kasalukuyan naman nang nakasara ang billboard habang iniimbestigahan ng
operator kung ano ang naging sanhi ng nakakahiyang pangyayari.

Facebook Comments