2019 MIDTERM ELECTIONS | Kongreso, dapat na magdesisyon sa pagpapaliban ng halalan

Manila, Philippines – Pinagdedesisyon na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Kongreso kaugnay sa pagpapaliban ng May 2019 midterm elections.

Ayon kay Alvarez, mahihirapan ng ipagpaliban ang eleksyon kapag nakapaghain na ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga kandidato sa Oktubre.

Paliwanag nito, mayroon na lamang na halos tatlong buwan para magpasya ang Kongreso kung itutuloy ang no-el.


Ang no-el anya ay kailangan para maisulong ang posibleng pagpapalit ng porma ng pamahalaan patungo sa pederalismo.

Samantala, sinabi rin ng pinuno ng Kamara na hindi susuportahan ng Senado ang no election scenario at maaring magkaroon ng people’s initiative upang amyendahan ang probisyon ng saligang batas na may kaugnayan sa pagkakaroon ng eleksyon kada tatlong taon.

Ang people’s initiative ay maari anyang gawin ng mga sumusuporta sa pederalismo.

Facebook Comments