Manila, Philippines – Sa Oktubre na sisimulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagtanggap ng Certificate of Candidacy (COC) para sa may 13, 2019 midterm elections.
Sa resolution no. 10420 ng COMELEC, pwede nang maghain ng COC ang mga kakandidato simula October 1 hanggang 5, 2018.
Paalala ng poll body sa mga maghahain ng COC, huwag kalimutang magdala ng limang kopya ng accomplished COC at dapat ding napanumpaan ito sa isang notary public o sinumang opisyal.
Ang maaari lamang maghain ng COC ay ang mismong kandidato o ang duly authorized representative nito.
Hindi naman papayagan ng comelec ang paghahain ng COC sa pamamagitan ng mail o sulat, e-mail o fax.
Walang filing fee, pero may P30 na bayad para sa documentary stamp na kailangang isampa sa orihinal na kopya ng COC.