2019 National Budget, isusumite na ng Kongreso sa Palasyo ngayong araw

Isusumite na ngayong araw ng Kongreso ang panukalang 2019 National Budget sa Malakanyang para sa pirma ng Pangulo.

 

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya, nasa Senado na ang printed copy ng General Appropriations Bill at kapag nalagdaan ng Senado ay saka ipapadala kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Samantala, nagtataka ang mambabatas dahil bakit kung kailan naimprenta na ang budget ay saka lamang lumalabas ngayon ang mga reklamo.


 

Dapat sana ay noon pang tinatalakay sa Kamara at Senado ang Budget ay inilabas na ang mga reklamo.

 

Iginiit naman ni Andaya na kung may mga reklamo ang mga kongresista sa panukalang budget ay sa Kamara dapat magreklamo at hindi sa kung saan-saan.

Facebook Comments