Napinsalang mga pananim dahil sa El Niño umabot na sa halagang 234 milyong piso ayon sa NDRRMC

Pumalo na sa mahigit 234 milyong pisong halaga ng mga pananim ang nasira dahil sa nararanasang El Niño sa ilang lugar sa bansa.

 

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC namonitor ang mga napinsalang pananim sa rehiyon ng Mimaropa at Region 7.

 

Sa mimaropa kabuuang  mahigit P153 milyon ang nasira ng El Niño, habang  mahigit 80 milyong piso  ng pananim naman ang nasira sa Region 7 ang mga pananim na ito ay palay at mais at iba pa.


 

Sa ngayon patuloy ang monitoring ng NDRRMC operation center sa mga lugar na matinding nakakaranas ng El Niño ito ay upang mabigyan ayuda ang mga magsasakang naapektuhan ng El Niño and mga pananim.

Facebook Comments