Manila, Philippines – Niratipikahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang P3.757 Trillion budget matapos ang maraming realignments na ginawa dito ng bicameral conference committee.
Nakahanda na ang pambansang budget para sa pagpirma ni Pangulong Duterte sa susunod na Linggo.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya JR., napagkasunduan ng dalawang kapulungan sa bicam na ibasura ang cash-based budgeting system na unang isinusulong ni Budget Sec. Benjamin Diokno.
Nangangahulugan na magiging epektibo hanggang 2020 ang mga proyektong pinondohan sa ilalim ng pambansang budget.
May special provision din sa ilalim ng pambansang pondo kung saan pinalalabas sa Department of Budget and Management (DBM) ang P2.3 Billion na unreleased internal revenue allotment (IRA) para sa mga LGUs.
Aabot sa P20.65 Billion ang realignment ng Kamara habang P25.4 Billion naman ang adjustments na ginawa ng Senado.
Nasa P46.35 Billion naman sa DPWH na maaaring i-identify na mga proyekto ng mga mambabatas.
Ilan pa sa mga inaprubahang realignments ay ang sumusunod—Senate, P1.77-billion; Office of the Vice President (OVP), P215-million; Office of the Ombudsman, P1.8-billion; Department of Health (DoH), P17.57-billion; Department of Agriculture (DA), P485.5-million; Department of Education (DepEd), P2.5-billion; State Universities at Colleges (SUCs), P2.81-billion.