Manila, Philippines – Sa Philippine Arena gaganapin ang opening ceremony ng 2019 Southeast Asian Games na magsisimula na sa November 30 hanggang December 30, 2019.
Kinumpirma ito ni Ramon “Tats” Suzara, ang planning and executive Director ng Sea Games Federations.
Aniya, digital ang magiging sistema sa pagbubukas ng palaro kung saan gagamit ng digital lighting of flame.
Nasa 55,000 katao ang inaasahang dadalo sa opening ceremony.
Tatlong lugar din sa bansa ang gagamitin bilang host ng mga laro.
Sa Clark Green City gaganapin ang athletics at swimming; sa Subic ang Triathlon, Duathlon, Sailing at Windsurfing; at sa Maynila ang Basketball, Volleyball, Boxing at Gymnastic.
Facebook Comments