2019 SEA GAMES | Triathlete Nikko Huelgas, target ang ikatlong sunod na ginto

Three-peat!

Ito ang target ni triathlete Nikko Huelgas sa 2019 South East Asian Games na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ayon kay Huelgas nais nitong muling makuha ang gintong medalya sa triathlon sa harap ng kaniyang mga kababayan. Ito ay sa kabila ng mga pinag-daanan nito ngayong taon.


Si Huelgas ang kampeon sa huling dalawang SEA Games kung saan tatlong mga event ang kailangan bunuin ng mga atleta para makumpleto ang karera.

Kahit siya ang two-time defending champion, sinabi pa ni Huelgas na hindi siya puwedeng magpakampante dahil patuloy paghahanda at pag galing ng kaniyang mga kalaban.

Ang triathlon ay karaniwang binubuo ng 1.5K swim, 40K bike at 10K run.

Facebook Comments