NAGPASALAMAT | Outgoing AFP Chief of Staff Carlito Galvez, nagsimula nang magpaalam sa mga sundalo

Manila, Philippines – Nagsimula nang magpaalam si Outgoing AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez sa buong hanay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas makaraang dumalo ito sa kaniyang kahuli-hulihang Flag Raising Ceremony sa Kampo Aguinaldo kaninang umaga

Sa kaniyang mensahe, binati at nagpasalamat si Galvez sa lahat ng mga Sundalo mula sa Army, Navy, Air Force at Marine gayundin sa mga Civilian personnel ng AFP sa kanilang walang sawang paglilingkod sa loob ng kaniayng walong buwang panunungkulan bilang ika-limampung AFP Chief of Staff

Naging kunteto si Galvez sa kaniyang mga nagawa sa Sadatahang Lakas


pinangunahan naman ni Galvez at Defense Secretary Delfin Lorenzana kasama ang kani-kanilang maybahay ang Panunumpa sa Karapatang Pantao bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Human Rights Consciousness Week

Kasunod nito, binigyang pagkilala ng outgoing AFP Chief ang Limang matataas na opisyal ng AFP sa kanilang natatangi at hindi matatawarang paglilingkod sa bayan.

Facebook Comments