2019 Southeast Asian Games gold medalist at pole vaulter Ernest John Obiena, target masungkit ang gold medal sa kaniyang mga laban ngayong Setyembre

Target ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist at pole vaulter Ernest John Obiena na masungkit ang gintong medalya sa tatlo hanggang limang bigating kompetisyon na sasalihan niya ngayong Setyembre.

Kabilang na rito ang International Golden Roof Challenge mamayang gabi sa Innsbruck, Austria, 59th Ostrava Golden Spike sa Czech Republic sa Setyembre 8 at sa Diamond League Leg sa Rome, Italy sa Setyembre 17.

Matatandaang nakasungkit na si Obiena ng silver medal sa 13th Triveneto International meeting sa Trieste, Italy, bronze medal sa IAAF World Diamond League Athletic series sa Monaco at silver medal sa virtual competition na “Who is the finest pole vaulter in the world?”.


Ang nasabing pagsabak ni Obiena sa mga paligsahan ay bilang matinding preparasyon sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan.

Facebook Comments