201K MAG-AARAL SA ILOCOS REGION, MAAGANG NAKAPAGTALA SA SY 2022-2023

Umabot sa 201, 801 ang bilang ng mga estudyante ang sinamantala ang early registration ng Department of Education sa Ilocos Region para sa school year 2022-2023.
Ang kabuuang bilang na ito ay mula sa Kinder, Grade 1, 7 at 11.
Natapos ang isinagawang early registration noong ika-30 ng Abril.

Ang mga mag-aaral ay mula sa labing apat na dibisyon sa rehiyon.
Pinakamaraming mag-aaral dito ang mula sa Pangasinan 1 na mayroong 52, 045 at sinusundan ng Pangasinan II na may 51, 091.
Ang maagang pagpapatala ay daan upang malaman kung ano ang mga kakailanganin pa ng isang paaralan gaya ng kakulangan sa mga upuan.
Samantala, ang grade 2, 6, 8 ,9 ,10 at 12 ay awtomatikong rehistrado na. | ifmnews
Facebook Comments