Iglesia ni Cristo, pormal nang inendorso ang tandem nina BBM-Sara sa 2022 elections

Pormal nang inendorso ng religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) ang kandidatura nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate niyang si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang inanunsiyo ng INC kahapon kung saan bukod sa presidente at bise presidente ay inendorso rin nila ang 12 kandidato sa pagkasenador.

Ang mga ito ay sina:


1. Jejomar Binay
2. Alan Peter Cayetano
3. JV Ejercito
4. Guillermo Eleazar
5. Francis Escudero
6. Jinggoy Estrada
7. Sherwin Gatchalian
8. Loren Legarda
9. Robin Padilla
10. Joel Villanueva
11. Mark Villar
12. Juan Miguel Zubiri

Kasunod nito, nagpasalamat naman si Marcos at Duterte sa INC dahil sa pagpili sa kanila.

Ayon kay Marcos, malaking karangalan at may kaakibat din na hamon sa kanilang kakayahan na mapag-isa ang bansa at mapagbuklod ang bawat Pilipino.

Maaalalang noong 2016 presidential elections ay inendorso rin ng INC ang kandidatura ng noo’y si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at ni Bongbong Marcos.

Facebook Comments