Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Senado ang 96.3 billion pesos na panukalang pondo ng Department of Health o DOH para sa susunod na taon.
Nakapaloob dito ang 7-billion pesos na ipinadagdag ng Senado para sa pagkuha ng DOH ng dagdag na health workers na ipakakalat sa kanayunan.
Kasama din dito ang 350 million pesos na pondo para sa open defecation program kung saan pagagawan ng toilet ang mga mahihirap na komunidad.
Inabot ng limang oras ang deliberasyon para sa pondo ng DOH kung saan kinwestyon ni Senate President Tito Sotto III kung epektibo ang immunization program nito sa harap ng pagtaas ng kaso ng dengue at pagbalik ng polio.
Sagot naman ni Senator Christopher Bong Go na siyang nagdedepensa ng budget ng DOH, tagumpay ang pagbabakuna ng DOH at sa katunayan ay umakyat na sa 98 percent ang coverage ng bakuna laban sa tigdas.
Pero giit ni Sotto dapat ay magdoble kayod pa ang DOH para makamit ang target nito lalo na at aabot sa 292-million pesos ang pondo para sa health promotions.
Pinuna din ni Sotto ang mabagal na paggastos ng DOH dahil nasa mahigit 143.9 million pesos pa ang pondong hindi nito nagagalaw.