Top 6 Most Wanted-Municipal level, Huli ng mga Otoridad!

54

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang top 6 most wanted person sa bayan ng Benito Soliven sa Lalawigan ng Isabela matapos itong madakip ganap na 9:20 ngayong umaga sa Brgy. District 2 ng nasabing bayan.

Kinilala ang akusado na si Rodolfo Lago, 33 anyos, single, magsasaka at residente ng Brgy. Maluno Norte, Benito Soliven, Isabela.


Si Lago ay dinakip sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni judge Ferdinand Dalpig ng MCTC Naguilian-Reina Mercedes dahil sa kasong Theft o pagnanakaw.

May inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan na halagang P10,000.00.

Pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Benito Soliven ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers