Napakabilis na inaprubahan agad ng senado ang 8.2-billion pesos na budget ng Office of the President para sa susunod na taon.
Si Senator Bong Go ang nag-isponsor sa proposed budget ng OP at wala kahit isang senador ang nagtanong o nakipagdebate kaya agad itong nakalusot.
Dumating naman dito sa senado ang mga opsiyal ng malakanyang para sa budget deliberations sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Kaugnay nito ay tiniyak ni Go ang checks and balances sa pera ng mga taxpayers kung saan hanggang sa huling sentimo ay gagamitin para sa kapakanan ng taumbayan.
Ayon kay Go, ang mga programang pagkakagastusan ng pondo ng tanggapan ng pangulo ay siguradong para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.
Facebook Comments