Manila, Philippines – Posibleng aprubahan na ngayong araw sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa Kamara ang panukalang 4.1 trillion pesos national budget para sa susunod na taon.
Ito ay matapos sertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House Bill 4228 o 2020 General Appropriations Bill.
Ayon kay House Committee on Appropriations Chairperson Isidro Ungab – mahalagang maipasa sa tamang oras ang budget bill para mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Una nang sinabi ng Malacañan na ang pinamamadali ng Pangulo ang pagpasa sa panukalang budget dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari sa 2019 national budget na naantala ng ilang buwan.
Facebook Comments