2020 budget, walang pork barrel – Salceda

Tiniyak ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na walang pork barrel na nakapaloob sa 2020 P4.1 trillion national budget.

Ayon kay Salceda, “no fat, boneless, at pure meat” ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Naglaan na rin ng pondo ang gobyerno para sa mga batas na ipinasa noong 17th Congress na karamihan ay mga social services.


Nilinaw naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang mga kagawaran ang naglalagay ng mga pondo sa mga district projects at isinusumite sa mga district engineers.

 

Facebook Comments