Mister, Arestado sa Kasong Frustrated Homicide!

78

*Cauayan City, Isabela-* Posibleng makulong ng habang buhay ang isang mister matapos na maaresto ng mga otoridad dahil sa kasong Frustrated Homicide.

Ang akusado na si Dapson Wigan, 52-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Barangay Duroc, Angadanan, Isabela ay nadakip sa nasabing barangay ng mga kasapi ng PNP Angadanan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Anastacio Anghad ng RTC second judicial Region Branch 36 ng Lungsod ng Santiago.


Walang inirekomendang piyansa ang korte kay Wigan para sa kanyang pansamantalang kalayaan na ngayo’y nasa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Nga-ugat ang kaso ni Wigan noong nakaraang taon kung saan ay pinagtataga nito ang umano’y kalaguyo ng kanyang misis.

Facebook Comments

From Advertisers