2020 COA report vs. ilang ahensiya ng gobyerno, professional response mechanism – Former COA commissioner

Ipinagtanggol ng dating commissioner ng Commission on Audit (COA) ang nakitang negatibong datos ng komisyon sa maraming ahensiya ng gobyerno sa bansa.

Ayon kay Heidi Mendoza, dating commissioner ng COA, bagama’t naiintindihan niya ang malakas na pressure, ginawa lamang ng COA ang trabaho nito na maglabas ng audit reports.

Maituturing namang professional response mechanism ang ginawang ‘flogging’ ng COA sa Department of Health (DOH) na maaari namang maresolba sa maayos na paraan.


Sa ngayon, ilang senador at kongresista na ang nagtanggol sa COA kung saan nakitaan nito ang DOH ng kakulangan sa ilang dokumento sa paggastos sa P67.32 billion na COVID-19 response funds.

Facebook Comments