2020 General Appropriations Bill, sumalang na sa debate sa plenaryo

Inumpisahan na ang deliberasyon sa plenaryo ngayong araw ng House Bill 4228 o ang 2020 General Appropriations Bill.

 

 

Inisponsoran ni House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab ang P4.1 Trillion at iginiit nito kung paano maibabalik ng gobyerno ang mga nakolektang kita at buwis sa publiko sa pamamagitan ng mga programang nakapaloob sa 2020 budget.

 

 

Sa pamamagitan ng mga alokasyon sa ilalim ng 2020 budget ay umaasa ang kongresista na magiging solusyon ito sa problema sa kahirapan at inequality sa bansa.


 

 

Tinitiyak din nito na ang mga proyekto sa budget ay nakalinya para sa 20 year Philippine Development plan na inaasahang magdadala ng 6% hanggang 7% na paglago sa ekonomiya.

 

 

Nakapaloob din dito ang mga macroeconomic fundamentals na sisiguro sa implementasyon nito para sa sustainability at development ng bansa sa mga susunod pang taon.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni House Minority Leader Benny Abante ang suporta na mabilis na maipasa ang pambansang pondo bago mag-adjourn ang Kongreso sa October 4.

 

Una namang sasalang sa debate sa budget ngayong gabi ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binubuo ng DBM, NEDA, DOF, at LEDAC.

Facebook Comments