2020 Miss International pageant, tuluyan ng kinansela dahil sa COVID-19

31

Tuluyan nang kinansela ang 2020 Miss International pageant dahil sa COVID-19.

Ayon sa International Cultural Association (ICA) sa Tokyo, Japan, mismong ang organizer ng taunang beauty pageant ang nagdesisyong kanselahin ang nasabing pageant.


Nakatakda sanang ganapin sa Oktubre 29 ang pageant pero nagdesisyon ang mga organizers na pagkatapos na lang ng Tokyo Olympics at Paralympics ito isagawa.

Dahil sa kanselasyon, magiging pinakamatagal na reigning Miss International titleholder sa kasaysayan si Sireethorn Leearamwat, kauna-unahang Thailand na nanalo ng titulo noong 2019.

Facebook Comments