POGO operators at private companies sa Pasay City na magsasagawa ng COVID-19 test sa mga empleyado, ino-obligang kumuha ng permit sa City Health Office

Pinaalalahanan ng Pasay City Government ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operators at private sector na magsasagawa ng COVID-19 test sa kanilang mga empleyado na kumuha muna ng permit mula sa City Health Office (CHO).

Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act 11332 o Law on Reporting of Communicable Diseases at sa dalawang administrative orders mula sa Department of Health (DOH).

Kailangan lamang ng naturang mga kumpanya na magsumite ng letter-request na may nakasaad ng bilang ng mga empleyado na sasailalim sa COVID-19 test at ang proseso sa paggamit ng Food and Drug Administration (FDA)-approved antibody-based tests kits, gayundin ang pangalan ng mga lisensyadong medical practitioners na gagawa ng proseso.


Nilinaw naman ng Pasay City Government na ang mga employer ang sasagot sa gastusin sa COVID-19 test sa kanilang mga empleyado.

Facebook Comments