2020 National Budget, aprubado na ni Pangulong Duterte

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 4.1 Trillon Pesos na 2020 National Budget.

Nangyari ito sa ginanap na Cabinet Meeting sa Malacañan kagabi.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lusot na sa pangulo at sa kanyang Gabinete ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.


Paglalaanan ng malaking pondo ang Sektor ng Edukasyon, kasunod ang Public Works, Transportasyon at Kalusugan.

Tutugunan ng panukalang National Budget ang pangangailangan ng taumbayan kabilang ang Basic Services, Imprastraktura, Ekonomiya, Edukasyon, at Paglaban sa Kahirapan, Korapsyon at iba pa.

Tiniyak ng Palasyo na maayos na gagastusin ang pondo at mararamdaman ito ng publiko.

Sa ilalim ng konstitusyon, binibigyan si Pangulong Duterte ng 30 araw mula sa kanyang State of the Nation Address o hanggang August 22 na maipasa sa Kamara at Senado ang panukalang budget para ito ay mabusisi.

Ang 2020 budget ay 12% mataas kumpara sa 3.66 Trillion Budget para sa taong 2019.

Facebook Comments