Regine Velasquez-Alcasid, naging ‘cool’ lang sa pamba-bash ng isang netizen

Magpagkumbabang tinanggap ni Regine Velasquez-Alcasid ang batikos ng isang netizen sa kanyang naging performance sa San Francisco, California.

Banat kasi ng netizen, hindi nasulit ng mga nanonood ang show dahil sa pagpalya raw ni Regine sa pagbirit ng “On the Wings of Love.”

Naging ’cool’ naman ang sagot ng Asia’s Songbird sa netizen, sabi niya na ang pagkanta ay depende sa kundisyon ng katawan at boses ng isang mang-aawit.


Aminado si Regine na dapat lang na masulit ang ipinambayad na ticket ng mga nanood sa kanilang concert.

Sa huli, nagpasalamat pa si Regine sa netizen sa pagpapa-realize sa kanyang kailangan niyang paghusayan sa susunod.

Facebook Comments