Para kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara maituturing na legacy budget ng Duterte administration ang 4.1 trillion pesos 2020 national budget.
Ayon kay Angara, ito ay dahil sa ilalim ng 2020 budget ay siguradong maisasakatuparan ang mga flagship projects ng administrasyon na magpapahusay sa buhay ng mamamayang pilipino.
Pangunahing binanggit ni Angara ang paghataw ng mga proyektong pangimprastraktura ng pamahalaan bunga ng tinaasang pondo ng Department of Public Works and Highways.
Sabi ni Angara, prayoridad din sa 2020 budget ang mataas na pondo sa edukasyon, at sapat din ang inilaan para sa pagpapatuloy ng conditional cast transfer program o tinatawag ding pantawid pamilyang pilipino program.
Mayroon ding pondo para sa social pension ng mga senior citizen, at sa patuloy na serbisyo sa mga komunidad sa lahat ng sulok ng bansa ng mga doktor, nurse at iba pang health professionals.