Ngayon pa lamang, excited na ang basketball sensation na si Kobe Paras sa 3X3 tournament sa 2020 Tokyo Olympics.
Nabatid kasi na si Paras ang unang tinawag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para pangunahan ang national team sa nasabing international tournament.
Pipili din ang SBP ng malalakas at mabibilis na player na kayang sabayan si Paras sa loob ng basketball court.
Matatandaan na si Paras ay dating nang nakasali sa 2013 at 2015 FIBA 3X3 under-18 world championship teams at siya din ang pinakabatang miyembro ng team Philippines na sumabak sa 2017 FIBA 3X3 World Cup kung saan kasama niya sina Keifer ravena, Jeron Teng at JR Quinahan.
Facebook Comments