WORLD RECORD | Pinakamalaking melon, hawak ng isang magsasaka sa North Carolina

North Carolina – Hindi akalain ng isang magsasaka na bukod sa kikita siya sa bitbit niyang melon, makakasungkit pa siya ng record sa Guinness world.

Nabatid kasi na ang ibinentang melon ni Danny Vester ay mayroong bigat na 65.9 pounds kung saan mismong si North Carolina Agriculture Commissioner Steve Troxler ang siyang nakapansin nito.

Tinalo ng melon ni Danny ang dating 2004 world record na hawak ni Scott Robb ng Alaska kung saan mayroon lamang na 64.8 pounds na bigat ang kaniyang melon.


Dahil dito, nagdalawang isip muna si Danny na ibenta ang melon kung kaya at gumagawa siyan ng paraan para ma-preserve ito kahit sa loob lamang ng dalawang linggo.

Facebook Comments